Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (45 page)

Nanag-uli ang salitaan sa lacad na caugalian.

¡Namamasid cong walâ rito ang ating dákilang mán~gan~garal!--ang kiming sinalità n~g isá sa m~ga naroroong cawaní n~g gobierno, na mahinhin ang anyô at hindî binubucsán ang bibig hanggang sa oras n~g pagcain, at sa boong umaga'y n~gayon n~gâ lámang nagsalità.

Ang lahát n~g nacaáalam n~g m~ga nangyari sa amá ni Crisóstomo'y cumilos at cumindát, na ang cahuluga'y:--"¡Halá cayó! ¡Sa unang hacbáng pa lámang ay cayo'y násilat na!"--Datapuwa't sumagót ang iláng mapagmagandang loob:

--Marahil nápapagal siyá n~g cauntí....

--¿Anóng caunti lámang?--ang bigláng sinabi n~g alférez;--pagód na pagód marahil, at ayon sa casabihán dito'y "malunqueado" (bugbóg na bugbóg ang catawán). ¡Nacú ang pan~garal na iyón!

--¡Isáng mainam na sermón, cadakidakilaan!--anang escribano.

--¡Maran~gal, malalim!--ang idinugtóng n~g corresponsal.

--Upang macapagsalità n~g gayóng catagál, kínacailan~gang magcaroon n~g lálamunang gaya n~g canyáng lálamunan,--ang ipinahiwatig ni párì Manuel Martín.

Waláng pinupurì ang agustino cung di ang lalamunan lámang niyá.

--¡Nalalaman ba ninyóng si guinoong Ibarra'y siyáng lalong may magalíng na tagapaglutò sa boong lalawigan?--anang Alcalde upang putulin ang salitaan.

--Iyan n~gâ ang sinasabi co, datapuwa't ang magandang babaeng canyáng calapít ay áayaw paunlacán ang hayin, sa pagca't bahagyâ na lámang tiniticman ang pagcain,--ang tutol n~g isá sa m~ga cawaní n~g gobierno.

Nagdamdam cahihiyan si Maria Clara.

--Napasásalamat acó sa guinoo ... napacalabis naman ang canyáng pan~gan~gasiwà sa aking cataohan,--ang kimíng sinalitâ n~g pautál,--datapuwa't....

--Datapuwa't pinaúunlacan pô ninyó n~g malakí ang pagsasalosalong itó sa inyó lámang pagparito,--ang sinabing pangwacás sa salità n~g Alcaldeng malin~gap sa babae, at sacá humarap cay párì Salví.

--Párì Cura,--ang malacás na idinugtóng,--námamasid co pong sa maghapo'y hindî cayó umíimic at may iniísip....

--¡Catacot-tacot na magmamasid ang guinoong Alcalde!--ang bigláng sinabi sa isáng cacaibáng anyô ni párì Sibyla.

--Itó na ang aking ugali,--ang pautál na sinabi n~g franciscáno;--ibig co pang makinig cay sa magsalitâ.

--¡Ang pinagsisicapang lagui n~g camahalan pô ninyo'y ang makinabang at huwag man~gulugui!--ang sinabi n~g alférez, na aglahî ang anyô n~g pananalità.

Hindî inaring birô ang bagay na iyón ni párì Salví; sandaling numingníng ang canyáng panin~gin, at sacá sumagót:

--Magalíng ang pagcatalastas n~g guinoong alférez na sa m~ga áraw na ito'y hindî n~gâ acó ang lalong nakikinabang ó nan~gun~gulugui!

Hindî inalumana n~g alférez ang dagoc na iyón sa pamamag-itan n~g isáng cunua'y tawa, at winalang bahalà ang pasaring na iyón.

--N~guni, m~ga guinoo, hindî co mapagwarì cung bakit macapagsasalitaan n~g m~ga pakikinabang ó m~ga pan~gun~gulugui,--ang isinabat n~g Alcalde;--¿anó ang mawiwicà sa atin n~g m~ga magagandang loob at matatalinong binibining nan~garitong nagbibigay unlác sa atin n~g caniláng pakikipanayam? Sa ganáng akin, ang m~ga dalaga'y tulad sa m~ga taguintíng n~g arpa n~g calan~gitan sa guitna n~g gabi! kinacailan~gang pacauliniguin at silá'y pakinggan, at n~g ang m~ga caayaayang tinig niláng nagpapailanglang sa calolowa sa calan~gitang kinarorooran n~g waláng hanggan at n~g lalong cagandagandahan....

--Naghahanay ang camahalan pô ninyó n~g m~ga matitimyás na sasay!--anang escribano n~g boong galác, at ininóm niyá at n~g Alcalde ang álac na na sa canicaniláng copa.

--Hindî mangyaring hindî co gawín,--anang Alcalde, na pinapahid ang canyáng m~ga labì;--cung hindî laguing gumagawâ n~g magnánacaw ang capanahunan, ay gumagawâ namán n~g manunulâ. N~g cabataan co'y cumathâ acó n~g m~ga tulâ, na hindî namán masasamâ.

--Sa macatuwid po'y naglilo ang inyóng camahalan sa m~ga Musa upang sumunód cay Themis!--ang sinaysay n~g ating "corresponsal" na mahiliguín sa m~ga diosa n~g panahóng una.

--Psch! anóng ibig ninyóng aking gawin? Sa tuwi na'y naguing hilig co ang aking mapagkilalà ang lahát n~g calagayan n~g pamúmuhay. Namúmupol acó cahapon n~g m~ga bulaclác, n~gayó'y aking hawac naman ang tungcod n~g Justicia at naglilingcód acó sa sangcataohan, búcas....

--Búcas ay ihahaguis n~g camahalan pô ninyó ang tungcód na iyán sa apóy at n~g inyóng mapainit ang maguináw na dacong hápon n~g buhay, at ang cucunin pô namán ninyo'y ang catungculang pagca ministro,--ang idinugtóng ni párì Sibyla.

--Psch! oo ... hindî ... ang maguing ministro'y hindî siyáng lalong aking pinacahahangad na camtan: sino mang waláng carapata'y naguiguing ministro. Isang mainam na bahay sa dacong timugan n~g España at n~g matirahan cung panahông tag-init, isang malaking bahay sa Madrid at tahanan at m~ga lupaín sa Andalusia cung panahong tag-lamig ... Hindî n~gâ masasabi sa akin ni Voltaire: "Nous n'avons jamais été chez ces peuples que pour nous y enrichir et pour les calomnier".

Ang boong ísip n~g m~ga cawaní n~g gobierno'y nagsalità ang Alcalde n~g isáng catatawanán, caya't nagtawanan silá't n~g bigyáng capurihan ang gayóng pagpapatawá; silá'y guinayahan n~g m~ga fraile, palibhasa'y hindî nilá talós na si Voltaire ay yaóng Voltaireng hindî mamacailang caniláng sinumpâ at inilagay sa infierno. N~guni, sa pagca't nalalaman ni parì Sibyla cung sino si Voltaire, siya'y magpakilang galit, sa pagsasapantaha niyang nagsalitâ ang Alcalde n~g isáng laban ó paglabag sa religion.

Nagsisicain naman sa isáng "kiosko" ang m~ga batang lalakì, na ang caniláng maestro ang sa canila'y nan~gun~gulò.

Gumagawâ silá n~g malakíng cain~gayan, gayóng silá'y m~ga batang filipino, sapagca't ang caraniwan, cung ang m~ga batang filipino'y na sa pagcain at na sa haráp n~g ibáng m~ga tao'y hindî ang cagaslawán ang caniláng naguiguing caculan~gan, cung di ang cakimian. Ang isa'y nagcacamalí n~g paggamit n~g m~ga "cubierto" at sa gayo'y sinásala n~g calapit; dito'y nagmumulâ ang isáng pagmamatuwiran, at ang dalawang nagtatalo'y nagcacaroon n~g canicaniyáng m~ga cacampí: ang wicà n~g iba'y ang cuchara, anang iba nama'y ang tenedor ó ang cuchillo, at sa pagca't walâ silang kinikilalang capuwà batang lalong marunong cay sa ibâ, doo'y nan~gagcacain~gay n~g di sapalâ, ó, sa lalong maliwanag na sabi, sila'y nan~gagmamatuwirang wan~gís sa pagtatalò n~g m~ga teólogo.

Ang m~ga magugulang ay nan~gagkikindatan, nan~gagsisicuhán, nan~gaghuhudyatan, at nababasa sa caniláng m~ga pagn~gitî na sa sila'y lumiligaya.

--¡Abá!--ang sabi n~g isáng babaeng tagabukid sa isáng matandang lalaking nagdidicdic n~g hitsó sa canyáng calicot;--magpaparì ang aking si Andoy, cahi't áayaw ang aking asawa. Tunay n~ga't m~ga dukhâ cami, n~guni't cami'y magsisipag sa paghahanap buhay, at cami'y magpapalimos cung cacailan~ganin. Hindî nawawalan n~g nagbibigay n~g salapi at n~g macapagpárì ang m~ga mahihirap. Hindî ba sinasabi ni hermano Mateo, taong hindî nagsisinun~galing, na si papa Sixto'y isáng pastol lamang n~g calabaw sa Batan~gan? Tingnan na ngâ lamang ninyó ang aking si Andoy, ¡tingnan ninyó siyá cung dí camukhâ na ni San Vicente!

At cumacayat ang laway n~g mabaít na ina sa panonood sa canyáng anác na hinahawacan ang tenedor n~g dalawang camay.

--¡Tulun~gan nawa siyá n~g Dios!--ang idinugtóng n~g matandang lalaki, na n~ginun~guyâ ang sapá;--cung maguing papa si Andoy, cami pa sa sa Roma ¡je!--¡je! nacalalacad pa acóng mabuti. At cung sacali't mamatay acó ... ¡jeje!

--¡Huwag pô cayóng mabahalà, incong! Hindî malilimot ni Andoy na tinuruan ninyó siyá n~g paglála n~g m~ga bilao at n~g dikin.

--Tunay ang sabi mo Petra; acó ma'y naniniwala ang anác mo'y nagcacaroon n~g mataas na catungculan ... ang cababaa'y patriarca. ¡Hindî pa acó nacacakita n~g batang hiniguit sa canyá sa cadaliang natuto n~g hanap-buhay! Oo, oo, maaalaala na niya acó, cung siyá'y papa na ú obispo at maglibang sa paggawa n~g m~ga bilauhang gagamitin n~g canyáng tagapaglutong babae. Oo, ipagmimisa n~ga niyâ ang aking calolowa, ¡jeje!

At taglay n~g mabait na matanda ang ganitóng pag asa'y sinicsicang mainam n~g maraming hitsó ang canyáng calicot.

--Cung pakikinggan n~g Dios ang aking m~ga pagsamò at magaganap ang aking m~ga pag-asa, sasabihin co cay Andoy: "Anác, pawiin mo sa amin ang lahát n~g casalanan at ipadalá mo camí sa lan~git". Hindî na tayo man~gan~gailan~gang magdasál, mag ayuno ó bumilí pa n~g m~ga bula. Maaarì n~g gumawâ n~g m~ga casalanan ang may isáng anác na santo papa!

--Paparoonin mo siyá sa bahay búcas, Petra,--anang matandang lalakì na totoong nagagalác;--¡tuturuan co siyá n~g pagcacayas n~g nito!

--¡Hmjo! ¡abá! ¿Anó pô ba, incóng ang pagcaalam ninyó? ¿Inaacalà pô ba ninyóng iguinagaláw pa n~g m~ga papa ang caniláng m~ga camáy? ¡Ang cura n~gâ, gayóng siya'y cura lamang, cayâ lamang nagpapagal ay cung nagmimisa, pagca nagpapapihitpihit! Ang arzobispo'y hindî na pumipihit, paupô cung magmisa; cayâ n~gâ't ang papa ... ¡ang papa'y nacahigá cung magmisa, at may abanico pa! Anó pô ba ang ísip ninyó?

--Hindî isáng calabisán, Petra, ang canyáng malaman cung paano ang guinagawang paghahandâ n~g nito. Mabuti na ngâ ang siyá'y macapagbili n~g m~ga salacót at m~ga petaca at n~g huwag macailan~gang magpalimos na gaya n~g guinagawâ rito n~g cura sa taón-taón sa pan~galan n~ga papa. Nahahabag acong makita ang isáng santong pulubi, caya't aking ibinibigay ang lahat cong nalimpoc.

Lumapit ang isáng tagabukid at nagsalitâ.

--Aking pinagtibay na, cumare, magdodoctor ang aking anac, ¡walâ n~g magaling na gaya n~g doctor!

--¡Doctor! huwag n~gâ cayóng main~gay, cumpare;--ang sagót ni Petra;--¡walâ n~g magalíng na gaya n~g magcura!

--¿Cura? ¡prr! ¡Sumísin~gil n~g maraming salapî ang doctor; silá'y sinásamba n~g maysakít, cumare!

--¡Magnilaynilay cayó! Sucat n~g magpapihitpihit n~g macaatlo ó macaapat ang cura at magsalità n~g "déminus pabiscum," upang canin ang Dios at tumangap n~g salapî. Sinâsabi n~g lahát sa canyá, patí n~g m~ga babae, ang caniláng m~ga lihim.

--¿At ang doctor? ¿At anó bang acalà ninyó sa doctor? ¡Nakikita n~g dóctor na lahat, patì n~g itinatagò ninyông m~ga babae, pumúpulso sa m~ga dalaga.... ¡Ibig cong maguing doctor isáng linggó man lamang!

--¿At ang cura? ¿hindî ba nakikita n~g cura ang nakikita n~g inyóng doctor? ¡At magaling pa sa riyan! Nálalaman na ninyó ang casabihan; "¡sa cura ang matatabang inahing manóc at gayón din ang binting mabilog!"

--¿At anó, cumacain ba ang m~ga manggagamot n~g tuyóng lawlaw? ¿nasasactán ba ang m~ga dalirì sa pagdidildil n~g asín?

--¿Narurumhán ba ang camáy n~g cura na gaya n~g m~ga camáy n~g manggagamot? ¡N~g huwag magcagayo'y may malalakíng hacienda silá, at sacali't gumagawâ, gumagawáng may música at siyá'y tinutulun~gan pa n~g m~ga sacristan!

--¿At ang cumumpisál cumare? ¿Hindî ba pagpapagal ang cumumpisál?

--¡Nacú, ang pagpapagal na iyán! ¡Ang pagcaibig ninyóng sa inyó'y man~gumpisal ang lahát n~g tao! ¡Diyata't nagcacapagod at nagcacapangpapawis pa n~gâ tayo sa pagcaibig nating masiyasat cung anó ang m~ga gawâ n~g m~ga lalaki't m~ga babae at cung anó ang m~ga gawâ n~g ating m~ga capit-bahay! Waláng guinagawâ ang cura cung dî maupo, at pagdaca'y sinasabi na sa canyá ang lahát; cung minsa'y nacacatulog, datapuwa't ¡sucat na ang maggawad n~g dalawa ó tatlóng benedición upang tayo'y maguing anac ulí n~g Dios! ¡Maanong maguing cura na n~gâ lamang acó sa isáng hapon n~g cuaresma!

--¿At ang ... ang magsermón? ¿sasabihin naman ninyó sa aking iya'y hindî pagpapagod? ¡Nákita na ninyó cung paano ang pagpapawis n~g curang malaki caninang umaga!--ang itinututol n~g lalaking nacacaramdam na siya'y nalulupig sa matuwiranan.

--¿Ang magsermón? ¿Isáng pagpapagal ba ang magsermón? ¿Saan naroon ang inyóng pag-iisip? ¡Maanong macapagsasalitâ na n~gà acó hanggang tanghalì, mulà sa púlpito, na aking macagalítan at mapagwicaan ang lahát, na sino ma'y waláng macapan~gahás na tumutol, at pagbabayaran pa acó sa gayóng gawâ! ¡Maanong maguing cura na n~gâ acó isáng umagang nan~gagsisimbá ang m~ga may utang sa akin! ¡Pagmasdan ninyó cung paano ang pagtabà ni párì Dámaso sa canyáng capagmumurá at capapalò!

At dumarating n~gâ naman si párì Dámaso, taglay ang paglacad n~g taong matabà, na halos nacan~giti, n~guni't sa isáng anyóng nagpapakilala n~g pan~git niyáng caisipán, caya't pagcakita sa canyá ni Ibarra'y nalitó sa canyáng pagtatalumpatî.

Binatì nilá si párì Dámaso, baga man may halong pagtatacá, datapuwa't nagpakita ang lahát n~g galác sa canyáng pagdating, liban na lamang cay Ibarra. Nan~gaghihimagas na at bumubulâ na ang sa m~ga copa ang "champaña".

Naowi sa pan~gan~gatál ang n~gitî ni párì Dámaso, n~g canyáng mamasdan si María Clarang nacaupô sa dacong canan ni Crisostomo; n~guni't umupô siyá sa isáng silla sa tabí n~g Alcalde, at sacá tumanóng sa guitna n~g isáng macahulugang catahimican:

--¿May pinag-uusapan ba cayóng anó man, m~ga guinoo? ¡Ipagpatuloy ninyó ang salitaan!

--Nan~gagtatalumpatian,--ang sagót, n~g Alcalde. Binabangguit ni guinoong Ibarra ang lahát n~g sa canya'y tumulong sa adhicáng icagagaling n~g madlá, at sinasaysay ang nauucol sa arquitecto, n~g ang camahalan pâ ninyó'y....

--Hindî n~gâ acó nacacamuang n~g tungcól sa arquitectura,--ang isinalabat ni párì Dámaso,--datapuwa't tinatawanan co ang m~ga arquitecto at gayón din ang m~ga tan~gáng tumatacbô sa canilá. Náriyan, acó ang gumuhít n~g piano n~g simbahang iyán, at lubós sa cagalin~gan ang pagsacagawâ: ganyan ang sabi sa akin n~g isáng inglés na maglalacó n~g m~ga hiyás, na tumuloy isáng áraw sa convento. ¡Sucat n~g magcaroon n~g dalawang daling noo upang macagawâ n~g piano!

--Gayon man,--ang mulíng isinagót n~g Alcalde, n~g mamasid niyáng hindî umiímic si Ibarra,--pagca nauucol na sa m~ga tan~gíng bahay, gaya na n~gâ baga n~g isáng escuela, sa halimbawa, nagcacailan~gan tayo n~g isáng "perito" (isáng taóng pantás sa paggawâ n~g anó man).

--¡Anó bang "perito ni peritas"!--ang sinabing malacás na palibac ni párì Dámaso.--Ang nagcacailan~gan n~g m~ga "perito" ay isáng "perrito" (tuta ó maliit na áso)! ¡Kinacailan~gang maguing hayop pa cay sa m~ga "indio", na gumagawang mag isá n~g caniláng m~ga bahay, upang hindî matutong magpagawâ n~g apat na pader at saca patun~gan sa ibábaw n~g isáng tangkil, na siyá n~gang isáng tunay na escuela!

Tumin~ging lahát cay Ibarra, datapuwa't ito'y baga man lalong namutlà, nagpatuloy na parang nakikipagsalitaan cay María Clara.

--N~guni't dilidilihin pô ninyóng....

--Tingnan pô ninyó,--ang ipinagpatuloy na sabi n~g franciscano, na ayaw papagsalitain ang Alcalde,--tingnan pô ninyó cung paano ang guinawâ n~g isáng "lego" namin, na siyáng lalong pinacahayop sa lahát naming m~ga lego, na yumari n~g isáng magalíng, mabuti at murang hospital. Marunong magpagawang magalíng at hindî nagbabayad cung dî walong cuarta lámang sa araw-araw sa bawa't isá sa m~ga taong nanggagaling pa sa ibáng bayan. Nálalaman n~g legong iyán cung paano ang nauucol na pakikisama sa m~ga "indio", na hindî gaya n~g maraming m~ga haling at m~ga "mesticillo", na nagpapasamâ sa m~ga taong iyán sa pagbabayad sa canila n~g tatlóng bahagui ó isáng salapî.

Other books

Elizabeth Powell by The Traitors Daughter
For the Pleasure of Men by Nora Weaving
Catch by Kenyon, Toni
The Wine of Dreams by Brian Craig - (ebook by Undead)
Alan E. Nourse & J. A. Meyer by The invaders are Coming
The Alpha Choice by M.D. Hall
Corazón de Tinta by Cornelia Funke
My Secret to Tell by Natalie D. Richards


readsbookonline.com Copyright 2016 - 2024