Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (40 page)

Dahándahán n~ga at matimtiman ang lacad n~g procesióng inaacbayan n~g ugong n~g m~ga bomba at n~g tinig n~g m~ga cantá at músicang tungcol sa religióng ilinalaganap sa impapawid n~g m~ga banda n~g músicang sumusunod sa licurán n~g bawa't carro. Samantala'y napakasipag na totoo ang pamamahagui n~g Hermano Mayor n~g malalaking m~ga candila, na ang marami sa m~ga nakipagprocesio'y nag-uwi sa canilang m~ga bahay n~g maipag-iilaw sa apat na gabi samantalang nan~gagsusugál. Nagsisiluhód n~g boong gálang ang m~ga nanonood pagca nagdaraan ang carro n~g Ina n~g Dios at nan~gagdarasal silá n~g taimtim sa loob n~g m~ga Sumasampalataya ó n~g m~ga Aba pô.

Tumiguil ang carro sa tapát n~g isáng báhay na sa m~ga bintanang napapamutihan n~g maririkit na m~ga pangsampáy (colgadura) ay nacasun~gaw ang Alcalde, si capitang Tiago, si María Clara, si Ibarra, ilang m~ga castilà at m~ga dalaga; nágcataong tumungháy si Párì Salví, datapuwa't hindî gumawâ n~g cahi't munting kilos na magpahalatang siya'y bumabatì ó nakikilala niyá silá; ang tan~ging guinawá niyá'y lumindíg lamang, tinuíd ang catawán at sa gayo'y sumabalicat niyá n~g lalong caayusan at gandá ang "capa pluvial."

Sa dacong ibabâ n~g bintana'y may isáng dalagang nacalúlugód ang gandá n~g mukhâ, mahalagá ang suut na damít at may kílic na isáng musmós na lalaki. Marahil siyá'y sisiwa ó taga pag-alagà lamang, sa pagca't ang sanggól na iyó'y maputi at mapulá ang buhóc, samantalang ang dalaga'y caymangguí at mahiguít pa sa caitimán n~g azabache ang canyáng m~ga buhóc.

Pagcakita sa cura, iniunat n~g musmós ang canyáng maliliit na bísig, tumawa niyáng táwang hindî nacapagbibigay sákit at hindî namán pighati ang nacapagpapatawá, at sumigáw n~g pautál sa guitna n~g isáng sandalíng catahimican: ¡Tá ...tay! ¡Tatay! ¡Tatay!

Kinilabutan ang dalaga, dalidaling inilagay ang canyang camay sa ibabaw n~g bibig n~g sanggól na lalaki at patacbóng lumayô roong taglay ang totoong malaking cahihiyan. Umiyác ang bátà.

Nan~gagkindatan ang m~ga mapaghinala, at nan~gagsin~gití ang m~ga castilang nacamasid n~g gayóng maiclíng pangyayari. Naguing pulá ang catutubong pamumutla ni Párì Salví.

At gayón ma'y wala sa catuwiran ang táo: hindî man lamang nakikilala n~g cura ang babaeng iyón, siya'y taga-ibang bayan.

=XXX.=

=SA SIMBAHAN.=

Mulâ sa isá hanggang sa cabiláng dúlo'y punô ang camálig na ípinalalagá'y n~g m~ga táong yaó'y bahay n~g Lumaláng sa lahát.

Nan~gagtutulacán, nagsisicsican, nan~gagdudurugan ang isá't isá, at nan~gagdarain~gan ang iláng lumálabas at ang maraming nagsisipasoc. Malayò pa'y iniuunat na ang camáy sa pagbabasâ n~g m~ga dalirì n~g túbig na bendita, n~guni't caguinsaguinsa'y dumárating ang isáng álon n~g pagtutulacán at napapalayô ang camay: Naririn~gig pagca nagcacagayon ang isáng án~gil, nagmúmura ang isáng babaeng nayapacan, datapuwa't hindî tumitiguil ang pagtutulacán. Ang iláng matandang lalaking naisasawsaw ang m~ga dalirì sa tubig na iyóng culay pusalí na, palibhasa'y naghúgas n~g camáy roon ang boong báyan, bucód pa sa m~ga taga-ibáng báyang doo'y dumarayo, ipinapahid ang túbig na iyón n~g boong pamimintacasi, baga mán sila'y nahihirapan dahil sa casicpán, sa caniláng bátoc, sa puyó, sa noo, sa ilóng, sa babà, sa dibdib at sa púsod, sa caniláng pananalig na sa gayó'y caniláng nabebendita ang m~ga bahaguing iyón n~g catawán, bucód sa hindî silá magcacasakit n~g paninigás n~g liig, n~g sakít n~g úlo, n~g pagcatuyô, n~g hindî pagcatúnaw n~g kinacain. Ang m~ga cabataan, marahil sa sila'y hindî totoong masasactín ó baca cayâ naman hindî silá naniniwala sa mahal na gamót na íyón, bahagyâ na niláng binabasâ ang cáduloduluhan n~g caniláng daliri--at n~g walang anó mang masabi sa canilá ang m~ga mapamintacasing tao,--at cunuwa'y canilang ipinapahid sa caniláng noó, na, ang catotohana'y hindî nilá isinasayad. "Marahil n~ga'y bendita ang túbig na iyán at taglay ang lahát n~g m~ga sinasabi",--ang iniisip marahil n~g sino máng dalaga,--"n~guni't may isáng culay na" ...!

Bahagyâ na macahin~gá roon, mainit at amóy háyop na dalawá ang páa; datapuwa't catumbás n~g lahá't n~g pagcacahirap na iyón ang magsesermong as sermông yao'y dalawang daa't limampung piso ang bayad n~g bayan. Ito ang sinabì n~g matandáng Tasio.

--¡Dalawang daa't limampung piso ang bayad sa isang sermôn! ¡Isá lamang táo at sa minsan lamang na paggawâ! ¡Ang icatlóng bahagui n~g ibinabayad sa m~ga comediante na mangagpapagal sa loob n~g tatlóng gabí!... ¡Tunay n~ga marahil na cayo'y mayayaman!

--¿At bakit namán mawawan~gis ang bagay na iyán sa isáng comedia?--ang isinagót na masamá ang loob n~g mapúsoc na maestro n~g m~ga Hermano n~g V.O.T.; ¡nacahuhulog n~g m~ga caluluwa sa infierno ang comedia, at nacapapasalan~git ang sermón! Cung humin~gi siyá n~g sanglibo'y babayaran din namin, at kikilalanin pa naming utang na loob ...

--¡Cahi ma't comedia, cung sa ganáng akin!--ang isinisigaw naman sa galit n~g isá.

--¡Naniniwalà acó, palibhasa'y magalíng na totoo ang inyóng pagca unawà sa kinauuculan n~g comedia at n~g sermón!

At yumao ang pusóng, na hindî inalumana ang guinagawâ n~g magagaliting maestro na m~ga paglait at masasamang húlang mangyayari sa daratning búhay ni matandáng Tasio sa hinaharáp na panahón.

Samantalang hinihintay ang Alcalde, nágpapawis at naghihicab ang m~ga tao; iguinagalaw sa han~gin ang m~ga paypáy, m~ga sombrero at m~ga panyô; nan~gagsisigawan at nan~gag-iiyacan ang m~ga batà, bagay nagbíbigay pagál sa m~ga sacristan na pagpapalabas sa m~ga batang iyón sa simbahan. Ang gawáng ito'y siyang umaakit sa pagdidilidili n~g matalas na caisipan at malumanay na maestro n~g Cofradía n~g Santisimo Rosario:

--"Pabayaan ninyóng lumapit sa akin ang m~ga báta," anáng áting Pan~ginoong Jesucristo, n~guni't dito'y dapat n~g unawaing yaó'y ucol lamang "sa m~ga batang hindî umiiyac."

Ganitó ang sinasabi n~g isá sa m~ga matatandang babaeng nanánamít n~g guingón, si Hermana Pute bagá, sa isáng babaeng may anim na taón na ang gúlang na canyáng apó, na nacaluhód sa canyáng tabi:

--¡Condenada! ¡itahimic mo ang iyóng isip, at macaririnig ca n~g isáng sermóng gáya n~g sa Viernes Santo!

At sacâ pinacacurotcurót, na anó pa't pinucaw ang cabanalan n~g batang babae, na ikinibit ang mukhâ, pinahabà ang n~gúso at pinapagcunót ang m~ga kílay.

Humihimláy ang iláng m~ga lalaking nacapaningkayád sa tabí n~g m~ga confesionario. Ang acalà n~g ating matandang babaeng nagn~gun~gun~guya n~g m~ga dasal at pinatatacbó sa canyáng m~ga dalírì ang m~ga butil n~g canyáng cuintás, na ang guinágawang pagtan~gô n~g isáng matandáng lalaking malaki ang pag-aantoc, ay talagáng gayón ang lalong magalíng na pagsang-ayon sa m~ga calooban n~g Lan~git, caya't ang guinawâ niya'y untitunti niyáng guinagád ang gayóng anyô.

Na sa isáng sûloc si Ibarra; nacaluhód si María Clara sa malapit sa altar mayor, sa isáng lugar na nagmagandang loob ang curang paalsan n~g m~ga tao sa pamamag-itan n~g m~ga sacristán. Nacaupô si capitang Tiagong nacasúot n~g frac sa isá sa m~ga bangcóng laan sa m~ga pinunò, dahil sa bagay na itó'y ang isip n~g m~ga insíc na sa canyá'y hindî nacakikilala'y gobernadorcillo rin siyá cayá't hindî nan~gan~gahás na sa canyá'y lumapit.

Sa cawacasa'y dumating ang Alcalde na casama ang canyáng Estado Mayor, (ang m~ga guinoong sa canyá'y umaacbay), doon sa sacristía silá nagmulà at siyá'y lumucloc sa isá sa m~ga maiinam na m~ga sillóng nacapatong sa ibabaw n~g isáng alfombra. Pangdakilà ang casuutan n~g Alcalde at sa canyá'y nacalagáy ang banda ni Cárlos III at apat ó limáng m~ga condecoración (m~ga saguisag na inilalagáy sa dibdib, tandâ n~g sa nagdadala'y pagbibigay unlác n~g isáng harì ó n~g cataastaasang pûnò sa isáng nación.)

Hindî siyá nakikilala n~g bayan.

--¡Abá!--ang bigláng sinabi n~g isáng tagabukid; ¡isáng civil na nacasuot comediante!

--¡Tangá!--ang isinagót n~g canyáng calapit at siyá'y sinicó;--¡iyán ang principe Villardo na ating nakita cagabí sa teatro!

Tumaas n~gâ ang calagayan n~g Alcalde sa m~ga matá n~g báyan at siyá'y ipinalagay na encantadong principe, na nácapanalo sa m~ga gigante.

Nagpasimula ang misa. Nagsitidindig ang m~ga nauupô, ang m~ga natutulog ay nan~gáguisíng dahil sa cacacampanilla at sa matunóg na voces n~g m~ga cantór. Tila totoong natutuwâ si Párì Salví, baga man siyá'y may mukhang walang caibigan, sa pagca't sa canyá'y naglilingcód na diácono at subdiácono ang dalawá pa namáng agustino.

Bawa't isá'y nagcantâ, n~g dumatíng ang úcol na panahón, baga man humiguit cúmulang na nagdaraan sa ilóng ang caniláng voces at malabò ang pan~gun~gusap, liban na lamang sa nagmimisa na may pagca nan~gin~ginig ang voces at hindî mamacáilang nasirà ang tono, na anó pa't malaki ang ipinagtataca n~g m~ga táong sa canyá'y nacakikilala. Gayón ma'y gumágalaw siya n~g makinig na anyô at hindî nag-aang-ang; ikinácanta ang "Dominus vobiseum" n~g taimtim sa loob, ikinikiling n~g caunti ang úlo at tumitin~gala sa "boveda," (bubun~gan n~g simbahan). Sa pagmamasid n~g pagtanggáp niyá n~g asó n~g incienso, masasabing totoo n~gâ ang sabi ni Galeno, na naniniwaláng pumapasoc daw ang úsoc sa bao n~g úlo, pagcaraan sa bútas n~g ilóng na ang tulóy ay sa salaang but-ó, sa pagca't siya'y lumilindig, iniiling-ay ang úlo sa lícod, pagcatapos ay lumalacad na patun~gó sa guitnâ n~g altar n~g lubháng malakíng pagmamakisig at caguilasan, hanggang sa acalain ni capitan Tiagong daig niya sa cagalin~gang cumíyà ang comedianteng insíc n~g gabing nagdaang nacadamít emperador, may pintá ang mukhâ may maliliit na bandera sa licód, ang balbás ay buntót n~g cabayo at macapal ang "suclas" n~g sapín.

--Hindî n~gâ mapag-alinlan~ganan, higuit ang camahalang umanyô n~g isáng cura namin cay sa lahat n~g m~ga emperador.

Sa cawacasa'y dumating ang pinacananasang sandali na marinig, na si Párì Dámaso. Nan~gagsiupô sa caniláng m~ga sillón ang tatlóng sacerdote, na ang anyó'y nacapag-bibigáy ulirán sa cahinhinan, ayon sa sasabihin marahil n~g may malinis na caloobang "corresponsal;" tinularan silá n~g Alcalde at ibá pang m~ga taong may vara at may bastón; humintô ang música:

Pamucaw ang paghaliling iyón n~g catahimican sa úgong sa ating matandáng Hermana Pule, na humihilic na, salamat sa música. Túlad cay Segismundo ó gaya n~g "cocinero" sa kinathang búhay ni Dornroscheu, ang unang guinawa pagcaguising ay tuctucan ang canyáng apóng babae, na nacatulog din. Ito'y umatun~gal, datapuwa't pagdaca'y nalibang n~g makitang nagdaragoc sa dibdib ang isang babae sa lubós na pananalig at sa caalaban n~g loob.

Pinagsicapan n~g lahat na maipacaguinhawa n~g anyô; naningcayad ang m~ga waláng bangcô, umupô sa lupà ó sa caniláng sariling paa ang m~ga babae.

Tináhac ang caramihan ni Párì Dámaso, na pinan~gun~gunahan n~g dalawáng sacristan at sinusundan n~g isáng capuwa niya fraileng may daláng isáng malaking cuaderno. Nawala siyá pagpanhíc sa hagdanang palicawlicaw, n~guni't pagdaca'y mulíng sumipót ang canyáng mabilog na úlo, pagcatapos ay ang canyáng macacapal na bátoc at sumunod agad-agad ang canyáng catawan. Tumin~gin sa magcabicabila n~g boong capanatagan n~g loob at uubo-ubó; nakita niya si Ibarra. Ipinahiwatig niya sa isáng tan~ging kiráp, na hindî calilimutan sa canyáng m~ga pananalan~gin ang casintahan ni María Clara; tinitigan n~g tin~ging may towa si Párì Sibyla at saca niya sinulyap n~g tin~gíng calakip ang pagpapawalang halagá si Párì Manuel Marsing cahapo'y nagsermón. N~g matapos ang ganitóng pagsisiyasat; linin~gon ang casama n~g paalimís at sa canyá'y sinabi: "¡Magpacatalino, capatid!"--Binucsan nitó ang cuaderno.

Datapuwa't carapatdapat na isaysay sa isáng bahaguing bucód ang sermóng itó. Isáng binatang nag aaral n~g panahóng iyón n~g taquigrafia at malakíng totoo ang pagcalugód sa m~ga dakilang mananalumpati ang siyáng umalalay n~g pagtititic samantalang nagsasaysay si Párì Dámaso; at salamat sa ganitóng guinawa'y mailalagdâ namin dito ang isáng bahagui n~g pan~gan~garal tungcól sa religión sa m~ga lupaing iyón.

=XXXI.=

=ANG SERMON.=

Nagpasimulâ si Párì Dámaso, n~g madalang at mahinang pan~gun~gusap:

"Et spiritum tuum honum dedisti, qui doceret eos, et manna tuum non prohibuisti ab ore corum, et aquam dedisti eis in siti".--"At ibinigay mo sa canilá ang espíritu mong magaling upang caniláng iturò at hindî mo inalís sa caniláng bibig ang iyóng maná at binigyán mo silá n~g tubig sa caniláng pagcauhaw!"

"M~ga salitang ipinan~gusap n~g Pan~ginoon sa pamamag-itan n~g bibig ni Esdras, icalawáng aclát, icasíyám na bahagui, icadalawampong tulâ."

Sa udyóc n~g pangguiguilalás ay sinulyáp ni Párì Sibyla ang nagsesermón; namutla at lumun-oc n~g laway sa Párì Manuel Martin: marikit ang sermóng iyón cay sa canyáng sermón.

Ayawan cong nahiwatigan ni Párì Dámaso ang gayóng bagay ó baca cayâ naman talagang namamaos pa, datapuwa't ang guinawa niya'y umubóng macailan at ikinapit ang dalawang camáy sa palababahan n~g púlpitong mahal. Sumása tapat n~g canyáng úlo ang Espiritu Santo na bago lamang capípinta: maputi, malinis at culay rosa ang maliliit na paa at ang tucâ.

"¡Cárilagdilagang Guinoo (sa Alcalde), cábanalbanalang m~ga sacerdote, m~ga cristiano, m~ga capatid cay Jesucristo!"

Gumawa rito n~g dakiláng paghintô, at maling inilacad niya ang canyáng panin~gin sa m~ga nakikinig, at sa canya'y nacagalác ang pag-ulinig sa canya at canilang taimtim na pagtahimic.

Wicang castilà ang unang bahagui n~g canyáng sermón at wicáng tagalog ang icalawang bahagui: "loquebantur omnes linguas".

Pagcatapos n~g m~ga ¡oh! at ô n~g paghinto dakilang iniunat niya ang canyang canang camáy sa dacong altar at tumitig sa Alcalde, naghalukipkip pagcatapos, na waláng anó mang sinasabi; n~guni't caguinsaguinsa'y inihalili sa mahinhing kilos ang cagalawán, iniling-ay sa licód ang úlo, itinuró ang dacong pintóng malakí na pinutol ang han~gin sa pamamag-itan n~g taguiliran n~g camáy n~g boong cabilisán, hanggang sa acalain n~g m~ga sacristang ang cahulugán n~g gayong galáw ay ipinag-uutos sa caniláng ísará ang m~ga pinto, at gayón n~ga ang caniláng guinawâ; nagdamdam ligalig ang alférez at nag-alinlan~gan cung siyá'y lálabas ó hindî; datapuwa't nagpapasimulá na ang nagsesermón n~g pananalitang malacás, punô at mataguinting: tunay n~ga palá namáng totoong matalinò sa panggagamót ang dating canyáng tagaalagang babae.

"¡Nagniningning at cumikislap ang altar, malapad ang malaking pintô, ang han~gin ang sasacyan n~g santong wica n~g Dios na búbucal sa aking bibig, pakinggán n~ga ninyó n~g m~ga pangdin~gig n~g caluluwa at n~g púsò at n~g hindî man~galaglag ang m~ga salitâ n~g Pan~ginoon sa lupang batuhán at canin n~g m~ga ibon sa Infierno, cung dî ang cayó'y lumagô at sumibol na catulad n~g isáng santong binhî sa lináng n~g ating cagalanggalang at huwad sa serafing Amáng si San Francisco! Cayóng m~ga malalaking macasalanan, m~ga bihag n~g m~ga moro n~g cálolowa, na siyang lumalaganap sa m~ga dagat n~g waláng hanggang búhay, na pawang nacalulan sa macapangyarihang m~ga sasacyán n~g sa táong catawán at n~g m~ga lugód sa búhay na itó, cayóng hindî magcandadala n~g m~ga tanicalâ n~g mahahalay na hilig at n~g m~ga calibugan, at nan~gagsisigaod sa daóng n~g taga Infiernong si Satán, masdán ninyó riyan n~g mapitagang pagcahiyâ ang tumutubós sa m~ga cálolowa sa pagcabihag n~g demonio, ang matapang na Gedeón, ang malacás na loob na David, ang mapagwaguing Roldan n~g cacristianohan, ang tagalan~git na guardia civil, na higuít ang catapan~gan sa lahat n~g m~ga guardia civil cahi't pagsamasamahin ang m~ga guardia civil n~gayón at ang sa búcas pa".--(Pinapagcunót n~g alférez ang noo)--"Siya n~gâ, guinoong alférez, higuít ang canyáng tapang at lacás, na cahi't walâ siyáng fusil cung di isáng cruz na cahoy, canyáng guinágahis n~g boong cabayanihan ang walang hanggang tulisán n~g m~ga cadilimán, at gayón din ang lahát n~g m~ga cacampí ni Luzbel, at cung dî lamang hindî nan~gamamátay ang m~ga espiritu, siláng lahat ay nan~galipol na magpacailan man! Ang caguilaguilalás na laláng na itó n~g Dios, itóng hindî mapaglírip na himalâ ay ang maluwalhating si Diego de Alcalá, na, gagamit acó n~g isáng pagsusumag, sa pagca't nacatutulong na magalíng ang m~ga pagsusumag sa pagca unawà n~g m~ga bagay na hindî mapag-abót n~g ísip, ayon sa wicà n~gâ n~g ibá, sinasabi co n~ga na ang dakilang santong itó'y isáng catapustapusang cawal, isáng "ranchero" (tagapagpacain) lamang sa aming lubháng macapangyarihang hucbóng pinag-úutusan n~g aming tulad sa serafing Amáng si San Francisco, na siyang ikinararan~gal cong kinapapanigang acó'y cabo ó sargento sa talaga't awà n~g Dios."

Other books

On the Day I Died by Candace Fleming
Lost and Sound by Viola Grace
La mecánica del corazón by Mathias Malzieu
Burning Skies by Caris Roane
Sisteria by Sue Margolis
Prisoner in Time (Time travel) by Petersen, Christopher David
More Than This by Shannyn Schroeder


readsbookonline.com Copyright 2016 - 2024