Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (63 page)

--Tumatagos, Elías, hanggang sa aking pusò ang inyong masasaklap na m~ga pananalità. ¿Ano po ang ibig ninyong gawin co? Hindi aco mag-aral sa casamahán n~g m~ga anac n~g bayan, caya't marahil hindi co talos ang canilang m~ga cailan~gan; sa boong camusmusan co'y doon aco natira sa colegio n~g m~ga Jesuita lumaki aco sa Europa, ang m~ga aclat lamang ang siyang ininumán n~g aking pag-iisip at ang aking nabasa lamang ay yaong náilathalà n~g m~ga tao: nananatili sa guitnà n~g m~ga dilim ang hindi sinasabi n~g m~ga sumusulat n~g m~ga aclat, ang m~ga iya'y hindi co alam. Gayon ma'y iniibig cong gaya rin naman n~g inyong pag ibig ang ating bayang tinubuan hindi lamang sapagca't catungculan n~g lahat na pacaibiguin ang lupaing canyang pinagcacautan~gan n~g canyang catauhan at marahil pagcacautan~gan naman n~g cahulihulihang pahin~galayan; hindi lamang sa pagca't ganyan ang itinurò sa akin n~g aking ama, cung di naman sa pagca't ang aking ina'y «india», at sapagca't diyan nabubuhay ang lalong matitimyas na aking linasap na sumasaalaala co tuwing bucod sa rito'y siya'y aking sinisinta, sapagca't siya ang pinagcautan~gan at pagcacautan~gan n~g aking ligaya!

--¡At sinisinta co siya sapagca't siya ang pinagcacautan~gan co n~g aking casaliwaang palad!--ang ibinulong ni Elías.

--Siyá n~gâ, caibigan co; nalalaman co pong nagpipighati cayo, cayo'y sawing palad, at ito ang siyang sa inyo'y nagpapamalas na madilim ang hináharap na panahón at siya namang nacapangyayari sa anyô n~g lacad n~g inyong pag-iisip; dahil dito'y hindi aco macasang-ayong lubos sa inyong m~ga carain~gan. Cung mangyari sanang masiyasat na magaling ang m~ga cadahilanan, ang isáng bahagui, n~g sa inyo'y m~ga nangyayari.

--Ibá ang m~ga pinanggalin~gan n~g m~ga sacunâng nangyari sa akin; cung matantô cong cahi't caunti'y pakikinaban~gan, sasaysayin co ang m~ga nangyaring iyan, sa pagca't bucod sa hindi co inililihim ay marami na ang nacatatalastas.

--Baca cayâ sacali'y cung mapagtanto cô ang m~ga bagay na iya'y magbagong isipan acó.

Nag isip-isip na sandali si Elías.

--Cung gayon, guinoó, sasabihin co sa inyo, sa maicling pananalitâ, ang aking dinaanang buhay.

=L.=

=ANG MAG-ANAK NI ELIAS.=

«May anim na pung taón na n~gayóng nananahan ang aking nunòng lalaki sa Maynila, at naglílingcod na «tenedor de libros» sa bahay n~g isáng man~gan~galacal na castilà. Batang-batà n~g panahóng iyon ang aking nunòng lalaki may asawa at may isáng anác na lalaki. Isáng gabi, hindi maalaman cung anó ang dahil, nagalab ang almacen, lumakit ang apóy sa boong bahay at sa ibáng maraming m~ga calapit. Hindi mabilang ang halagá n~g m~ga natupoc at nawalà, hinanap ang may sála, at isinumbóng n~g man~gan~galacal ang aking nunò. Nawaláng cabuluhán ang canyáng pagtutol, at palibhasa'y dukhâ at hindi macapagbayad sa m~ga balitàng abogado, siya'y hinatulang palùin sa hayág at ilibot sa m~ga daan sa Maynilà. Hindi pa nalalaong guinagawa pa ang parusang itóng pang-imbí, na tinatawag n~g bayang
cabayo y vaca
, na macalilibong higuit sa camatayan ang casamâan. Ang aking nunò, na tinalicdan n~g lahat, liban na lamang sa canyang batà pang asawa, ay iguinapos sa licod n~g isáng cabayo, na sinusundan n~g caramihang malulupit at pinalò sa bawa't pinagcacacurusan n~g dalawáng daan, sa haráp n~g m~ga taong canyang m~ga capatíd, at sa malapit sa maraming sambahan sa isáng Dios n~g capayapàan. Nang mabusóg na n~g culang palad, na magpacailan ma'y imbi na't walang capurihán, ang panghihiganti n~g m~ga tao, sa pamamag-itan n~g canyang dugô, n~g m~ga pahirap na guinawâ sa canya at n~g canyang m~ga pagsigáw, kinailan~gang cunin siya sa ibabaw n~g cabayo, sapagca't hinimatáy, at maano na sanang namatáy na n~gâ n~g pátuluyan! Sa isá riyan sa m~ga pinacahayop na calupitán, siya'y pinawalán; nawaláng cabuluháng mamanhic sa baháy-baháy, bigyán n~g gáwain ó n~g limós ang asawa niyang n~g panahóng iyo'y buntís, at n~g canyang maalagaan ang asawang may sakít at ang cahabaghabag na anác. Sino ang magcacatiwala sa asawa n~g isáng lalaking mánununog at inimbí. Napilitan n~gâ ang babaing calacalin ang canyáng catawan!»

Nagtindíg si Ibarra sa pagcaupô.

«Oh, huwag cayóng mabahalà! ang pan~gan~galacal sa catawan niya'y hindi na casiraang puri sa canya at hindi na rin casiraang puri sa canyáng asawa; napugnáw n~g lahát ang capurihá't ang cahihiyan. Gumalíng ang lalaki sa canyáng m~ga súgat at naparito at nagtagong casama ang canyáng asawa't anác na lalaki sa m~ga cabunducan n~g lalawigang itó. Nan~ganac dito ang babae n~g isáng latánglatáng sanggol at puspos n~g m~ga sakit, na nagcapalad na mamatáy. Nanahán pa sila ritong may iláng buwán, sacdál n~g carukhâan, hiwaláy sa lahát n~g tao, kinapopootan at pinan~gin~gilagan n~g lahát. Nang hindi na matiis n~g aking nunò ang gayóng lubháng carukhâan, at palibhasa'y hindi niyá taglay ang catapan~gan n~g loob n~g canyáng asawa, siyá'y nagpacamatáy, sa waláng casíng laking samâ n~g canyáng loob n~g makita niyang may sakit at waláng sumaclolo't mag-alaga. Nabulóc ang bangcáy sa matá n~g anác na lalaking bahagyâ na lamang macapagalaga sa may sakít na ina, at ang casamâan n~g amóy ang siyáng nagcánulo sa justicia. Sinisi ang aking nunong; babae't hinatúlang magdusa, dahil sa canyáng hindi pagbibigay alam; pinaghinalaa't pinaniwalaang siyá ang pumatáy sa canyáng asawa, sapagca't anó ang hindi gagawin n~g asawa n~g isáng imbí, na pagcatapos ay nagbilí n~g canyáng catawan. Cung manumpa'y caniláng sinasabing nanunumpâ n~g hindi catotohanan, cung tuman~gis ay sinasabing siya'y nagsisinun~galing, sinasabing nagwawalang galang cung tumatawag sa Dios. Gayón ma'y linin~gap din siyá, hinintáy munang siya'y macapan~ganac bago palùin: talos po ninyóng inilalaganap n~g m~ga fraile ang capaniwalaang sa pamamag-itan n~g palò lamang mangyayaring makipanayam sa m~ga «indio»; basahin ninyo ang sabi ni padre Gaspar San Agustin.»

«Sa ganitóng cahatulán sa isáng babae, canyáng susumpâin ang araw n~g pagsilang sa maliwanag n~g canyáng anác, bagay na bucód sa pagpapahaba n~g pagpapahirap ay pagsira sa m~ga damdamin n~g isáng iná. Sa casamâang palad maluwalhating nan~ganac ang babae, at sa casamâan ding palad ang sanggól na lalaki ay ipinan~ganac na matabâ. Nang macaraán ang dalawáng buwá'y guinanap ang parusang hatol n~g boong catuwâan n~g loob n~g m~ga tao, na sa ganitóng paraa'y inaacalà nilang gumaganap n~g caniláng catungculan. Sapagca't wala na siyáng catiwasayan sa m~ga gubat na itó'y tumacas siya't tinun~go na canyáng dalá ang canyáng dalawáng anác na lalaki, ang caratig na lalawigan, at diyá'y nabuhay siláng tulad sa m~ga halimaw: nan~gapopoot at kinapopootan. Ang pan~ganay sa dalawáng magcapatíd, na nacatatandà n~g maligayang camusmusan niyá, sa guitnâ n~g gayóng pagcálakilaking carukhâan, pagdaca'y nagtulisán, pagcacaroon n~g lacás. Hindi nalao't ang pan~galang maban~gis ni
Bálat
ay cumalat sa magcabicabilang lalawigan, naging laguím n~g m~ga bayan, sa pagca't sa canyáng panghihiganti'y nagsasabog n~g dugô't tinutupoc ang bawa't maraanan. Ang pinacabatà na may catutubòng magaling na pusò'y sumangayon sa canyáng capalaran at caimbihán sa tabí n~g canyáng ina; nan~gabubuhay silá sa inihahandóg n~g cagubatan, nan~gagdadamit silá n~g m~ga basahang sa canilá'y inihahaguis n~g m~ga nan~gaglálacad; nawalâ na sa babaeng iyón ang canyáng sariling pan~galan at siyá'y nakikilala lamang sa m~ga pamagát na
delingkente
(delincuente, nagcasala),
patutot
at
binugbog
; ang lalaking iyó'y nakikilala lamang sa tawag na
anác n~g canyáng iná
, sapagca't sa catamisan n~g canyáng asal ay hindi pinaniniwalaang siya'y anác n~g manununog at sapagca't ang sino ma'y dapat mag-alinlan~gan sa cabutihan n~g ugali n~g m~ga
indio
. Sa cawacasa'y nahulog ang bantog na si Bálat sa capangyarihan n~g justicia, na siyáng sa canyá'y humin~gi n~g mahigpit na pagbibigay súlit n~g canyáng m~ga guinawang casalanan, baga man hindi nabalino ang Justiciang iyáng magturo cay Bálat n~g cagalin~gan n~g isáng umagang hanapin n~g batang capatíd ang canyáng iná, na napasagubat upang man~guha n~g cábuti at hindi pa umuuwi, canyáng nakitang nacatimbuwang sa lupà, sa tabi n~g daan, sa lilim n~g isáng punò n~g búboy, nacatihayâ, tirik ang m~ga matá, nacatitig, naninigas ang m~ga daliring nacabaon sa lupa, at sa ibabaw nitó'y may nakikitang m~ga bahid n~g dugô. Naisipan n~g binatàng tumin~galà at sundán n~g matá ang tinititigan n~g bangcáy, at nakita niyang sa isáng san~gá'y nacasabit ang isáng buslô at sa loob n~g buslô'y ang marugông ulo n~g canyang capatid!»

--¡Dios co!--ang bigláng sinabi ni Ibarra.

--«Ganyán din marahil ang bigláng sinabi n~g aking amá,--ang ipinagpatuloy ni Elías n~g boong calamigán n~g loob.--Pinagputolputol n~g m~ga tao ang manghaharang at inilibíng ang catawán, n~guni't ang m~ga sangcáp n~g catawá'y canilang isinabog at ibinitin sa ibá't ibáng m~ga bayan. Sacali't cayó po'y macapaglacbay isáng araw mula sa Kalamba hanggáng sa Santo Tomás, masusumpun~gan pa po ninyó ang cahoy n~g duhat na pinagbitinan at kinabulucán n~g isáng hità n~g aking amaín; sinumpâ ang cahoy na iyan n~g Naturaleza, caya't hindi lumalaki at hindi namumun~ga. Gayón din ang caniláng guinawa sa m~ga ibáng sangcáp n~g catawan, n~guni't ang ulo, ang ulo na siyáng pinacamabuting sangcáp n~g tao, na siyáng lalong madalíng kilalanin cung cangino, ang ulong iya'y isinabit sa harapán n~g dampà n~g iná!»

Tumun~gó si Ibarra.

--«Naglagalág ang binatang tulad sa isáng sinumpâ»,--ang ipinagpatuloy ni Elías,--naglagalág sa bayán-bayán, sa m~ga bundóc at m~ga caparan~gan, at n~g inaacalà na niyáng sa canya'y wala nang macacakilala, ay pumasoc siyáng manggagawà sa isáng mayamang tagá Tayabas. Ang canyáng casipagan, ang catamisan n~g canyáng asal ang nacahicayat na siya'y caguiliwan n~g lahat n~g hindi nacatatalós n~g unang pamumuhay niyá. Sa catiyagaan niyá sa paggawa at sa pagtitipid, nacatipon siyá n~g caunting puhunan, at sapagca't napagdaanan na niyá ang malakíng carukhaan at siya'y bata, nag-acalang magcamít namán n~g ligaya. Ang canyáng cagandahang lalaki, ang canyáng cabataan at ang canyáng pagca may cauntíng cáya ang siyáng nan~gacaakit na siyá'y ibiguin n~g isáng dalaga sa bayan, n~guni't hindi siyá macapan~gahas na ipakiusap sa m~ga magulang nitó na sa canya'y ipacasal, sa canyáng pan~gan~ganib na baca mapagtuntón ang buhay niyá n~g una. Datapuwa't naraig silá n~g capangyarihan n~g sintá, caya't capuwa silá nagculang sa canicaniláng catungculan. Upáng mailigtás n~g lalaki ang capurihán n~g babae, pinan~gahasán ang lahat, namanhic siyá sa m~ga magulang upang sa canyá'y ipacasal ang canyáng caisáng dibdíb, dahil dito'y hinanap ang m~ga casulatan n~g canyáng pagcatao, at n~g magcagayo'y napagsiyasat na lahát; palibhasa'y mayaman ang amá n~g dalaga, nasundûang pag-usiguin n~g m~ga hucóm ang lalaki, na hindi nag-acala man lamang na magsanggalang, inamin ang lahát n~g sumbóng na laban sa canyá, at siya'y nagdusa sa bilanggûan. Nan~ganác ang babae n~g isáng sanggól na lalaki at isáng sanggól na babae, na capuwa inalagaan n~g lihim, saca pinapaniwala ang m~ga batàng itóng namatáy na ang caniláng amá, bagay na hindi mahirap gawín, sapagca't caniláng nakita ang pagcamatay n~g caniláng iná, n~g panahóng silá'y musmós pa, bucod sa hindi nilá naiisip ang pag-uusisa n~g canilang pinanggalingan. Palibhasa'y mayaman ang aming nunòng lalaki, totoong maligaya ang aming camusmusán; ang capatíd cong babae't aco'y magcasama camíng nag-aral, nag-iibigan camí niyang pag-iibigang mangyayari lamang sa magcapatíd na cambál na walang ibáng nakikilalang ibáng bagay na pag-ibig. Batang batà pa aco'y nag-aral na sa colegio n~g m~ga jesuita, at nag-aral namán sa Concordia at doon itinirá ang aking capatíd na babae, sa han~gad na huwag camíng lubháng magcahiwalay. Nang matapos ang aming caunting pag-aaral, sapagca't wala camíng hinahan~gad cung di magpasaca n~g lupa, umuwi camí sa aming bayan upang aming tanggapín ang aming mána sa aming nunòng lalaki. Malaonlaón ding nanatili camí sa pamumuhay sa caligayahan, n~gumin~giti sa amin ang panahóng hinaharáp, marami camíng m~ga alila, nag-áaning magalíng ang aming m~ga halamanan at hindi na malalaó't mag-aasawa ang aking capatíd na babae sa isáng binatang canyáng pinacasisintá at siya'y tinutumbasan n~g gayón ding pag-ibig. Dahil sa pagcacaalit bagay sa salapi, at dahil namán sa ugali co n~g m~ga panahóng iyóng may pagcamapagmataás, kinasusuklaman acó n~g isá cong camag-ánac na malayò, isinurot sa aking isáng araw ang totoóng malabò cong pagsilang sa maliwanag, ang imbí cong pinanggalin~gang m~ga magulang. Acala co'y yao'y pawang paratang lamang, caya't hinin~gi cong bigyáng liwanag ang gayóng paglaít; muling nabucsán ang libin~gang kinahihimlayan n~g gayóng caraming m~ga cabulucán, at lumabas ang catotohanan upáng aco'y bigyáng cahihiyán. Nang lalong malubós ang casaliwaáng palad, malaon n~g panahóng camí'y may alilang isáng matandang lalaki, na pinagtitiisán ang lahat cong m~ga cahalin~gang pita at ayaw camíng iwan cailan man, at nagcacasiyá na lamang tuman~gis at humibik sa guitna n~g m~ga paglibac n~g ibáng m~ga lingcod namin. Hindi co maalaman cung bakit napagsiyasat n~g aking camag-anac; datapuwa't ang nangyari'y tinawag n~g justicia ang matandang itó, at pinag-utusang sabihin ang catotohanan; ang matandang lalaki paláng aming alila'y siyáng aming amá, na áayaw humiwaláy sa canyáng sintáng m~ga anác, at ang matandang iyó'y hindi mamacailáng aking pinahirapan. Napugnáw ang aming ligaya, tinalicdán co ang aming cayamanan, nawalan n~g pacacasalang casintahan ang capatíd cong babae, camíng magcapatíd at ang aking amá'y iniwan namin ang bayan, upang pumaroon sa alin mang lupaín. Ang pagcaalam na siya'y nacatulong sa aming casaliwaang palad ang nacapagpaicli n~g buhay n~g matandang lalaki, na siyáng sa aki'y nagpaunawa n~g lahat n~g casakitsákit na m~ga nangyari n~g m~ga panahóng nagdaán. Nan~gulila caming magcapatid.

«Tuman~gis n~g di sapala ang capatíd co, n~guni't sa guitna n~g gayóng caraming m~ga casaliwaang palad na bumugsô sa ibabaw namin, hindi niyá nalimutan ang canyáng sintá. Hindi dumaíng at hindi umimíc n~g canyáng nakita ang pagaasawa sa ibáng babae n~g canyáng dating catipanan, at aking nakitang untiunting nagkasakít ang aking kapatíd, na hindi co mangyaring mabigyáng alíw. Nawala siyá isáng araw; nawaláng cabuluhán ang sa canya'y aking paghanap sa lahát n~g panig, nawaláng cabuluhán ang aking pagtatanóng tungcol sa canyá, hanggáng sa n~g macaraan ang anim na buwa'y aking nabalitaang n~g m~ga araw na iyón, n~g humupa ang paglaki n~g dagatan, ay nasumpun~gan sa pasigan n~g Calamba sa guitna n~g isáng palayan, ang bangcáy n~g isang dalaga, na nalunod ó pinatáy na cusa; ayon sa sabiha'y may isáng sundang na nacatarac sa canyáng dibdib. Ipinalathala sa m~ga calapit bayan n~g m~ga punò sa bayang iyón, ang gayóng nangyari; sino ma'y waláng humaráp upáng hin~gin ang bangcáy, at wala namáng nawáwalang sino mang dalaga. Ayon sa m~ga tandáng sinabi sa akin, pagcatapos, sa pananamít, sa m~ga hiyas, sa cagandahan n~g canyáng mukhâ at sa lubháng casaganaan n~g canyáng buhók, aking napagkilalang iyón ang aking cahabaghabag na capatíd na babae. Mula niyó'y naglálagalag acó sa m~ga iba't ibáng lalawigan, manacanaca acóng pinararatan~gan, n~guni't hindi co pinápansin ang m~ga tao at ipinagpapatuloy co ang aking paglácad. Itó ang maclíng casaysayan n~g m~ga nangyari sa akin, at ang casaysayan n~g m~ga paghatol n~g m~ga tao.»

Other books

Cry Wolf by Angela Campbell
The Other Man by R. K. Lilley
Breathless by Adams, Claire
Always Summer by Nikki Godwin
Wild Ones (The Lane) by Wyllys, Kristine
The Goldfish Bowl by Laurence Gough
A Clash of Honor by Morgan Rice


readsbookonline.com Copyright 2016 - 2024