Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (34 page)

At pinaspás n~g matandâ ang canyáng úlo, na anàkí ibig niyang palayuin ang isáng pag-iísip, at sacâ nagpatúloy n~g pananalitâ:

--Ang icalawáng maihahatol co sa inyó'y magtanóng pô cayó sa cura, sa gobernadorcillo, sa lahát n~g m~ga táong nacacacaya; bibigyan cayó nilá n~g m~ga masasamâ, han~gál at waláng cabuluháng m~ga cahatulán; datapuwa't hindî pagtalîma ang cahulugán n~g pagtatanóng, magpacunuwarî cayóng sinúsunod ninyó silá cailan man at mangyayaring gawin ninyo, at inyóng ipahayag na iniaalinsunod ninyó sa canilá ang inyóng m~ga gawâ.

Naglininglínìng n~g sandali si Ibarra at nagsalitâ, pagcatapos:

--Magalíng ang inyóng hátol, n~guni't mahirap sundin. Dapuwa't ¿hindî n~gâ cayâ maipagpatuloy co ang aking panucálà na hindî tumakip sa panúcalang iyán ang isáng dilím? ¿Hindî bagá cayâ magawâ ang isáng cagalin~gan cahi't tahákin ang lahát, yámang hindî cailan~gan n~g catotohanang manghirám n~g pananamit sa camalîan?

--¡Dáhíl diyá'y walâ sino man sumisinta sa catotohanang hubád! Magalíng ang bágay na iyán sa salitâ, mangyayari lamang sa daigdîg na pinápanaguimpan n~g cabatâan. Náriyan ang maestro sa escuela, na walang tumútulong síno man, sangól na púsong nagmithî n~g cagalin~gan ay walang ináni cung di libác at m~ga halakhác; sinábi ninyó sa áking cayó'y taga ibang báyan sa inyóng sariling lupaín, at naniniwalâ acó. Mulâ sa únang áraw n~g inyóng pagdatíng díto'y inyóng sinactán ang calooban n~g isáng fraileng cabalitaan sa m~ga táong siya'y isáng banál, at ipinalalagay n~g canyáng m~ga cápuwâ fraileng siyá'y isáng pantás. Loobin nawâ n~g Dios na ang guinawâ ninyóng itó'y huwág siyáng maguing cadahilanan n~g m~ga mangyayari sa inyó sa hináharap na panahón. Huwág po ninyóng acalâing dáhil sa pinawawal-áng halagá n~g m~ga dominico at agustino ang guinggóng hábito, ang cordón at ang salaulang pangyapác, na dahil sa minsang ipinaalaala n~g isáng dakílang doctor sa Santo Tomás, na ipinasiyá n~g papa Inocencio III, na lalong nauucol daw sa m~ga baboy cay sa m~ga tao ang m~ga palatuntunan n~g m~ga franciscano'y hindî silá man~gagcácaisa upang papagtibayin yaóng sábi n~g isáng fraileng procurador: "Higuit ang ikinapangyayari n~g lálong walang cabuluháng uldóg" cay sa Gobierno, cáhi't maguing casama pa nitó ang lahát niyáng m~ga soldado "Cave ne cadas". Totóong macapangyarihan ang guintô; madalás na inihápay n~g gúyang vacang guintô ang túnay na Dios sa canyáng m~ga altar, at nangyayari itó búhat pa sa panahón ni Moísés.

--Hindî acô lubháng mapangláwin sa pag-iísip n~g mangyayari sa anó mang bágay, at sa gánang ákin ay hindî namán napacapan~ganib ang pamumuhay sa áking lupaín,--ang isínagót ni Ibarrang n~gumin~gitî.--Inaacalà cong nápacalampas namán ang m~ga tácot na iyán, at umaasa acóng áking magágawâ ang aking m~ga panucála, na hindî acó macacakita n~g malalaking m~ga hadláng sa dácong íyan.

--Hindî n~ga, sacali't cayó'y tangkilikin nilá; datapuwa't magcacaroon cayó n~g m~ga hadláng cung cayo'y hindî tangkilin. Casucatán na upang madúrog na lahát ang inyóng m~ga pagsusumicap sa m~ga pader n~g bahay n~g tinatahanan n~g cura, ang iwaswás n~g fraile ang canyáng cordón ó ipagpág cayâ niyá ang canyáng hábito; itátanggui n~g alcalde bucas, sa papaano mang dahilán, ang sa inyo'y ipinagcaloob n~gayon; hindî itutulot n~g síno mang ináng pumásoc ang canyáng anác sa páaralan, at cung macágayo'y baligtád ang ibubun~ga n~g inyóng lahát na m~ga pagpapagal: macapanghihinà n~g lóob sa m~ga magpapanucálà pagcatapos, na tumikím gumawâ n~g anó mang bagay na cagalin~gan.

--Bagá man sa inyóng sabí,--ang tugón n~g binátà, hindî acó macapaniwálà sa capangyarihang iyang sinabi ninyó, at cáhit ipagpalagáy n~g catotohanan, cahi't paniwalâan túnay n~ga, mátitira rin sa áking pinacalábis ang bayang may pag-iísip, ang Gobiernong may manin~gas na han~gad sa pagtatátag n~g m~ga panucalang totoong maiinam, taglay niyá ang m~ga dakilang adhicâ at talagáng ibig n~ga niya ang icágagaling n~g Filipinas.

--¡Ang Gobierno! ¡Ang Gobierno!--ang bulóng n~g filósofo, at sacà tumin~galà upang tin~gnán ang bubun~gán.--Bagá man túnay na magcaróon n~g manin~gas na nasang padakilâin ang lupaíng itó sa icágagaling n~g m~ga taga rito rin at n~g Ináng Báyan; bagá man manacanacang alalahanin n~g man~gisan~gisang m~ga nan~gan~gatun~gculan ang magagandang caisipán n~g m~ga háring católico, at bangguitín cung siya'y napapag-isá, ang Gobierno'y hindî nacakikita, hindî nacaririnig, hindî nagpapasiyá, liban na lamang sa ibiguin n~g cura ó provincial na canyáng makita, mápakinggan at mápasiyahán; lubós ang pagsampalatayang cayâ lamang siyá matíbay ay dahil sa canilá; na cung siya'y nananatili'y sa pagca't siya'y inaalalayan nilá; cung siya'y nabubuhay, sa pagca't ipinahihintulot niláng siyá'y mabuhay, at sa araw na iwan siyá n~g m~ga fraile'y siya'y matútumbang gáya n~g pagcatumbá n~g isang taotaohan pagca walâ n~g sa canya'y pang-alalay. Tinatacot ang Gobierno sa panghihimagsík n~g bayan, at tinatacot ang bayan sa m~ga hucbó n~g Gobierno: nagmulà rito ang isang magaang na laróng nacacatulad sa nangyayari sa m~ga matatacutin cung sila'y pumapasoc sa m~ga malulungcót na lúgar; ipinalálagay niláng m~ga "fantasma" ang canilang sarilíng m~ga anino, at ipinalálagay niláng m~ga voces n~g ibá ang m~ga alín~gawn~gaw n~g caniláng sariling m~ga voces. Hindî macawáwalà ang Gobierno sa pananalima sa m~ga fraile, samantalang hindî siyá nakikipag-alam sa bayáng itó; mabubuhay siyang catúlad niyáng m~ga bátang báliw, na pagdaca'y nan~gán~gatal márinig lámang ang voces n~g sa canya'y tagapag-alágà, na caniláng pinacasusuyò n~g dî anó lámang at n~g sa canila'y magpaumanhin. Hindî nagháhan~gad ang Gobiernong siya'y magtamó sa hináharap na panahón n~g sariling lacás na sagánà, siya'y isáng bísig lámang, sa macatuwíd ay tagaganáp; ang úlo'y ang convento, sa macatuwíd ay siyáng tagapag-utos, at sa ganitóng hindî niyá pagkilos, nagpapaubayà siyáng siya'y caladcarín sa magcabicabilang ban~ging malalalim, siya'y naguiguing lilim lamang, nawáwal-an siyang cabuluhán, at sa canyáng cahinaan at casalatan sa caya'y ipinagcacatiwalà niyang lahát sa m~ga camáy na upáhan. Cung hindî'y inyó pong isúmag ang anyô n~g pamamahálà sa atin n~g ating Pámunuan sa m~ga ibang lupaíng inyóng linacbáy ...

--¡Oh!--ang isinalabat ni Ibarra,--mapapacalabis namán ang m~ga cahin~giang iyan; magcásiya na lámang táyo sa pagcakitang ang baya'y hindî dumáraing, at hindî nagcacahirap na gaya n~g m~ga ibáng lupaín, at ito'y salámat n~ga sa Religión at sa cabaîtan n~g m~ga púnong dito'y namamahálà.

--¡Hindî dumáraing ang bayan, sa pagcá't waláng voces, hindî cumikilos sa pagca't hindî nacacaramdam sa mapan~ganib na pagtulog, at hindî nahihirapan, ang wicà po ninyó, sa pagca't hindî niyá nakikita cung paano ang pagdurugô n~g canyáng púsò, ¡N~guni't makikita't maririn~gig isáng áraw at ¡sa abá n~g m~ga lumiligaya sa pagdaráyà at sa gabí cung man~gagsigawâ, dahil sa ang acálà nilá'y natutulog na lahát. ¡Pagca naliwanagan n~g sícat n~g áraw ang carumaldumal na anác n~g m~ga cadilimán, cung magcágayo'y dárating ang cakilakilabot na pananag-úlì n~g ísìp, búbugsô at sasambulat ang hindî maulátang lacás na kinulóng sa lubháng mahábang panahón, ang napacaraming camandág na isaisang patác na sinálà, ang di masayod na m~ga himutóc na linunod ... ¿Cung magcágayo'y sino cayâ ang magbabayad niyang m~ga útang na manacânacang sinísin~gil n~g báyan ayon sa ating nababasa sa pigtâ n~g dugong m~ga dahon n~g Historia?

--¡Hindî ipahihintulot n~g Dios, n~g Gobierno at n~g Religióng dumating ang araw na iyan!--ang mulíng isinagót ni Crisóstomo, na nalálaguim n~g laban sa canyang saríling calooban.--Sumasampalataya sa religión at sumisinta sa España ang Filipinas; talastas n~g Filipinas cung gaano calakí ang m~ga cagalin~gang guinágawâ n~g nación sa canya. Tunay n~ga't may m~ga capaslan~gang nagagawa, hindî co rin naman icacailang siya'y may m~ga caculan~gan; datapuwa't nagpapagal ang España n~g pagbabago n~g m~ga cautusán at m~ga palácad na námamasid niyáng dî totóong wastô upang mabigyáng cagamutan ang gayóng m~ga capaslan~gán at m~ga caculan~gan; nagbabalac n~g m~ga bago't bagong panucálà, hindî masamang asal.

--Nalalaman co, at nárito ang casám-ang lálò. Ang m~ga pagbabagong utos na nanggagaling sa mataas, pagdatíng sa baba'y nawawal-ang cabuluhán, dahil sa m~ga pangit na pinagcaratihan n~g lahát, sa halimbawa, ang manin~gas na han~gad na pagdaca'y yumaman at ang camangman~gan n~g bayang ipinauubáya ang lahat n~g gawín n~g may m~ga salanggapang na budhî. Hindî nasasalansà n~g isáng tadhanà n~g hárì ang m~ga gawang lisyà n~g m~ga namiminúnò, samantálang hindî aban~gán n~g isáng mapagmalasakit na macapangyarihan ang lubós na pagtalima sa tadhánang iyón n~g hárì, samantalang hindî ipinagcacaloob ang calayâang magsalitâ laban sa malalabis na m~ga cagagawan n~g nan~gaglúlupit na m~ga harîharían sa bayan: mátitira sa pagcapanucála, ang m~ga panucála, ang m~ga capaslan~ga'y mananatili't hindî masasawatâ, at gayón ma'y tahímic na matutulog ang ministro, sa galác na siya'y nacatupád n~g canyáng catungcúlan. Hindî lamang ito, sacali't pumarito ang isáng guinóong may mataas na catungcúlang may taglay na m~ga dakila't magagandáng m~ga han~gád, samantalang sa licura'y tinatawag siyáng-ulól, sa haráp niya'y ganitó ang ipasísimulang sa canya'y iparinig: "hindî po nakikilala n~g inyóng camahalan, ang lupaing ito, hindî pô nakikilala n~g inyóng camahalan ang m~ga "indio", pasasamain pô n~g camalian ninyó silá, ang mabuti po'y magcatiwalâ cayó cay "fulano" at cay "zutano" at ibá pa," at sa pagca't hindî n~ga naman nakikilala n~g camahalan niya ang lupaing hangga n~gayo'y na sa América ang canyáng boong acálà, at bucod sa roo'y ma'y m~ga caculan~gan at may m~ga hindî mapagtagumpayán n~g marupóc niyáng lóob, na gaya rin naman n~g lahát n~g táo, siya'y napahihinuhod. Nadidilidili naman n~g camahalan niyang kinailan~gang siya'y magpatúlò n~g maráming páwis at magcahírap n~g dî cawásà upang camtán niyá ang catungculang hinahawácan, na tatlóng taón lamang ang itátagal n~g catungculang iyón, na sa pagca't siyá'y may catandaan na'y kinacailan~gang huwag n~g mag-íisip n~g m~ga pagtutuwid n~g licô at n~g m~ga pagsasanggalang sa naaapi, cung dî ang iguiguinhawa niya sa panahông darating; isáng malíit na "hotel" (magandang bahay) sa Madrid, isáng mainam na tahanan sa labás n~g ciudad at isáng magaling na pakikinabang sa taóntaón sa patubuang salapi upang macapagbúhay-guinháwa sa pan~gulong báyang tahanan n~g hárì ang m~ga bagay n~gang itó ang dapat paghanapin sa Filipinas. Huwág táyong humin~gî n~g m~ga cababalaghán, huwág nating hin~ging magmalasakit sa icagagaling n~g lupaíng itó ang tagá ibáng lupaíng naparirito at n~g macakita n~g cayamanan at pagcatapos ay aalis. ¿Anóng cahalagahan sa canyá n~g pagkilalang lóob ó n~g m~ga sumpâ n~g isáng bayang hindî niya kilalá, na walâ síyáng ano mang súcat alalahanin at walâ naman doon ang canyáng m~ga sinisinta? Upang tumimyas ang dan~gal ay kinacailan~gan umalin~gawn~gaw sa m~ga tain~ga n~g ating m~ga iniibig, sa han~ging sumisimoy sa ating tahanang bahay ó sa kinamulatang bayang mag-iin~gat n~g ating bun~gô at m~ga but-ó, ... ibig nating maramdaman ang pagcaunlac sa ibabaw n~g ating libin~gan, at n~g mapapag-init n~g canyáng m~ga sinag ang calamigán n~g camatayan, n~g huwag namang totoong mauwi na n~ga tayo sa wala, cung di may matirang anó mang macapagpapaalaala sa atin. Alin man dito'y walâ tayong maipan~gacò sa pumaparito upang mamanihalà n~g ating capalaran. At ang lalò pang kasamasamaan sa lahát ay nan~gagsisi-alis pagka nagpapasimulâ na n~g pagcaunawà n~g canilang catungculan. N~guni't lumálayô tayo sa ating pinag-uusapan.

--Hindî, bago tayo magbalíc sa pinag-uusapan natin ay kinacailan~gang cong pagliwanaguin ang iláng m~ga tan~ging bagay,--ang dalidaling isinalabat n~g binatà. Mangyayaring sumang-ayon acóng hindî nakikilala n~g Pamahalaan ang calagayan, caugalian at minimithî n~g bayan, datapuwa't sa acala co'y lalong hindî nakikilala n~g bayan ang Pamahalaan. May m~ga cagawad ang Pamahalaang walang cabuluhan, masasamâ, cung itó ang ibig ninyóng aking sabihin, datapuwa't mayroon namang m~ga cagawad na magagalíng, at ang magagalíng na ito'y waláng magawâ, sa pagca't sumasaguitnâ sila n~g caramihang hindî gumágalaw, aayaw gumalaw, ang m~ga mamamayan bagang bahagyâ, na nakikialam sa m~ga bagay na sa canya'y nauucol. N~guni't hindî acó naparito't n~g makipagmatuwiran sa inyo tungcol sa bagay na itó; naparito acó't n~g sa inyo'y humin~ging cahatulan, at ang inyong sabi'y yumucód acó sa m~ga diosdiosang catawatawá.

--Tunay n~gâ, at itó rin ang aking inuulit, sa pagca't dito'y kinacailan~gang ibabâ ang ulo ó pabayaang ilagpác.

--¿Ibaba ang ulo ó pabayaang ilagpac?--ang inulit ni Ibarrang nag-iisip-isip.--Totoong napacahigpit ang páhiran~gang iyán! N~guni't ¿bakit? Diyata't ¿hindî n~gâ cayâ mangyayaring magcaayos ang pagsinta sa aking tinubuang lupa at ang pagsinta sa España? ¿Kinacailan~gan bagang magpacaîmbi upang maguing magalíng na binyagan, papan~gitin ang sariling budhi upang macagawa n~ga n~g isáng magaling na panucalà? Sinisinta co ang aking tinubuang lúpà, ang Filipinas, sa pagca't siya ang pinapacacautan~gan co n~g buhay at n~g aking caligayahan, at sa pagca't dapat sintahin n~g lahat n~g tao ang canyang tinubuang lúpa; sinisinta co ang España, ang lupang tinubuan n~g aking magugulang, sa pagca't baga man sa lahat n~g bagay na nangyayari, pinagcacautan~gan siya at pagcacautan~gan n~g Filipinas n~g canyáng caligayahan at n~g canyang cagalin~gan sa panahong dárating; católico acó, nananatili sa aking dalisay ang pananampalataya n~g aking m~ga magugulang, at hindî co maalaman cung anóng cadahilanan at aking ibábabâ ang aking úlo, gayóng mangyayari namang aking itunghay; cung anong cadahilanan at aking ihahayin ang aking ulo sa aking m~ga caaway, gayong sila'y mangyayari co namang yurakin!

--Sa pagca't na sa camay n~g inyóng m~ga caaway ang linang na ibig ninyóng pagtamnan, at walâ cayóng lacás na mailalaban sa canilá.... Kinacailan~gan munang hagcan ninyó ang camay na iyang....

--¡Hagcán! Datapuwa't ¿nalilimutan na ba ninyong silasila ang pumatáy sa aking amá, at siya'y caniláng hinucay at inalis sa canyang libin~gan? N~guni't acóng canyáng anác ay hindî co nalilimutan, at cung hindî co siya ipinanghihiganti'y, dahil sa linilin~gap co ang capurihan n~g religión.

Itinun~gó ang úlo n~g matandáng filósofo.

--Guinoong Ibarra.--ang canyang isinagót n~g madalang na pananalitá:--cung nananatili sa inyong alaala ang m~ga gunitaing iyan, m~ga gunitaing hindî co maihahatol na inyóng limutin; huwag pô ninyóng ipagpatuloy ang panucalang inyóng binabantang gawín, at hanapin ninyó sa íbang dáco ang icagagaling n~g inyóng m~ga cababayan. Humihin~gi ang panucalà ninyo na ang ibang tao ang gumawâ, sa pagca't upang mayarì, hindi lamang salapi at han~gad na macayari ang kinacaìlan~gan; bucód sa rito'y kinacailan~gan dito sa ating lupaín ang pagca matiisin, malabis na catiyagaa't pagsusumicap at matibay na pag-asa, sa pagca't hindî nahahanda ang linang; pawang m~ga dawag lamang ang nacatanim.

Other books

Un gran chico by Nick Hornby
Gift from the Sea by Anna Schmidt
Seduced By The Lion Alpha by Bonnie Burrows
Athenais by Lisa Hilton
Telegraph Days by Larry McMurtry
The Housemaid's Daughter by Barbara Mutch
Alpha by Rucka, Greg
The Shattered City by Tansy Rayner Roberts
Bamboo and Lace by Lori Wick
#1 Fan by Hess, Andrew


readsbookonline.com Copyright 2016 - 2024