Read Noli Me Tangere Online

Authors: JosÈ Rizal

Noli Me Tangere (17 page)

Kinilabutan ang casama.

--Naalís ang pagcapacò n~g cabaong, umaalin~gásaw ... at mapilitan cang pasanín mo ang cabaong na iyón, at umúulan at camíng dalawá'y cápuwà basâ at....

--¡Kjr!....At ¿bákit mo hinúcay?...!

Tiningnan siyá n~g maglilíbing n~g boong pagtatacá.

[Larawan:--¡Ah! at ¿anó ang guinawâ mo sa bangcay pagcatapos?--ang ipinagpatuloy na pagtanóng n~g maselang.--Imp de M. Fernández. Paz 447. Sta. Cruz.]

--¿Bákit?...¿nalalaman co bâ? ¡Ipinag-útos sa áking hucáyin co!

--¿Sino ang nag-útos sa iyó?

Napaurong n~g cauntî ang maglilíbing at pinagmasdán ang canyáng casama, mulâ sa páa hangáng úlo.

--¡Abá! ¡tila ca namán castilà! ang m~ga tanóng díng iyán ang siyáng guinawâ sa akin pagcatapos n~g isáng castilà, datapuwa't sa lihim. N~gayó'y sásagutín catá, n~g gaya n~g pagcásagot co sa castilà: ipinag-útos sa akin n~g curang malakí.

--¡Ah! at ¿anó ang guinawâ mo sa bangcáy pagcatápos?--ang ipinagpatúloy na pagtatanóng n~g maselang.

--¡Diablo! cung dî co lamang icáw nakikilala at natatalastas cung icáw ay "lalaki", sasabihin cung icáw ay túnay n~gang castilang civil: cung magtanóng ca'y túlad din sa canyá. Gayón ...ipinag-utos sa akin n~g curang malakíng siyá'y ilibíng co sa libin~gan n~g m~ga insíc, n~guni't sa pagcá't totoong mabigát ang cabaong at maláyò ang libin~gan n~g m~ga insíc....

--¡Ayaw! ¡ayaw! ¡ayaw co n~g humúcay!--ang isinalabat n~g causap na lipós n~g pan~gin~gilabot, na binitiwan ang pála at umahon sa húcay;--akíng nábaac ang bá-o n~g isáng úlo at nan~gan~ganib acóng bacâ hindî acó patuluguín sa gabíng itó.

Humalakhác ang maglilíbing n~g canyáng makitang samantalang umaalis ay nagcucruz.

Unti-unting napúpunô ang libin~gan n~g m~ga lalaki't m~ga babáeng páwang nan~gacalucsâ. Ang ibá'y nan~gagháhanap na maluat n~g baunan; silá-silá'y nan~gagtatatalo, at sa pagca't hindî mandín silá man~gagcasundò, silá'y nan~gaghíhiwalay at bawa't isá'y lumúluhod cung saán lalong minamagaling niyá,; ang m~ga ibá, na may m~ga "nicho" ang caniláng m~ga camag-anac, nan~gagsísindi n~g malalakíng candilà at nan~gagdárasal n~g taimtím; naririnig din namán ang m~ga buntóng hinin~gá at m~ga hagulhól, na pinacalalabis ó pinipiguil. Narírin~gig na ang alin~gawn~gaw n~g "orápreo, orápresis" at "requiemeternams."

Násoc na nacapugay ang isáng matandáng lalaki. Marami ang nan~gagtawá pagcakita sa canyá, ikinunót ang m~ga kílay n~g iláng m~ga babae. Tila mandín hindî pinúpuna n~g matandáng lalaki ang gayóng m~ga ipinakikita sa canyá, sa pagcá't napatun~go siyá sa buntón n~g m~ga bun~gô n~g úlo, lumuhód at may hinanap sa loob n~g iláng sandalî sa m~ga but-ó; pagcatapos ay main~gat na inisaisáng ibinucód ang m~ga bun~gô n~g úlo, at sa pagca't hindî mandín makita niyá ang canyáng hinahanap, umilíng, lumín~gap sa magcabicabilà at nagtanóng sa maglilíbing.

--¡Oy!--ang sinabi sa canyá.

Tumungháy ang maglilíbing.

--¿Nalalaman mo bâ cung saan naroon ang isáng magandáng bungô n~g úlo, maputíng tulad sa lamán n~g niyóg, waláng caculangculang ang m~ga n~gípin, na inalagáy co sa paanán n~g cruz, sa ilalim n~g m~ga dahong iyón?

Ikinibít n~g maglilibing ang canyáng m~ga balícat.

--¡Masdán mo!--ang idinugtóng n~g matandâ, at ipinakita sa canyá, ang isáng pílac na salapî,--walâ aco cung hindî itó, n~guni't ibíbigay co sa iyó cung makita mo ang bun~góng iyón.

Pinapagdilidili siyá, n~g ningníng n~g salapî, tinanáw ang buntunan n~g m~ga, butó, at nagsalitâ:

--¿Walâ bâ roon? Cung gayó'y hindî co nalalaman. N~guni't cung ibig ninyó'y bíbigyan co pô cayó n~g ibá.

--¡Catulad ca n~g baunang iyóng hinuhucay!--ang winíca sa canyá n~g matandáng lalaking nan~gín~ginig ang voces;--hindî mo nalalaman ang halagá n~g nawawalâ sa iyo. ¿Sino ang ililibing sa húcay na iyán?

--¿Nalalaman co bâ cung sino? Isáng patáy ang ilílibing diyan!--ang sagót na nayáyamot n~g maglilibing.

--¡Tulad sa baunan! ¡tulad sa baunan!--ang inulit n~g matandáng lalaking nagtátawa n~g malungcot;--hindî mo nalalaman ang iyong hinuhucay at ang iyong nilalamon! ¡Húcay! ¡húcay!

Samantala'y natapos n~g maglilíbing ang canyáng gawâ; dalawáng nacatimbóng lupang basâ at mapulápulá ang na sa magcabilang tabí n~g húcay. Cumúha sa canyáng salacót n~g hichó, n~guman~gà at pinagmasídmasíd na may anyóng tan~gá ang m~ga nangyayari sa canyáng paliguid.

TALABABA:

[210] Caraniwang tawaguin n~g m~ga tagalog ang fiesta n~g lahat n~g m~ga santo, na "Todos los Santos", baga man ito'y wicang castila.

[211] Ang sumusulat n~g m~ga libro n~g m~ga casaysayan n~g m~ga nangyari n~g panahong nacaraan na.

[212] Dating caharian n~g m~ga itím na tao sa Guinea, at colonia francesa mulâ n~g 1892.

[213] Tinatawag ding Calvario, na ang cahuluga'y timbunan ó lalagyán n~g m~ga bun~gô. Ang Calvario ó Gólgota'y na sa ibabâ n~g Jerusalem at caugalîan n~g m~ga judíong doon patayín ang m~ga tulisán at magnanácaw. Diyán n~ga ipinácò sa Cruz si Jesús, ang Dakilang Banál na hinatulang mamatay roong tulad sa isáng imbíng magnanácaw. Sa bundoc din n~g Gólgota naroon ang halamanan ni José de Arimathea na pinaglibin~gan sa bangcay n~g Mananacop. S. Mateo XXVII. 33: Marcos XV. 22; Lúcas XXIII. 32; Juan XIX 17, 41.--Sinasapantáhà n~g ibáng iyón din ang bundóc "Moriah", na pinagdalhán ni Abraham sa canyáng anác na si Isaac upang patayín, sa pagtalima sa utos n~g Dios. Génesis XXII. 2.--P.H.P.

[214] Ang guang na sadyáng inilálagay sa m~ga pader n~g m~ga libin~gan, at doon inilílibing ang m~ga bangcáy na may cabaong, sa pamamaguitan n~g mahál na bayad sa párì ó cura n~g bayan.--May m~ga bayang tagalog na tinatawag na "bútas" ang "nicho."

=XIII.=

=MGA PAUNANG TANDA NANG UNOS=

Nang sandalíng lumálabas ang matandáng lalaki, siyá namáng pagtiguil sa pasimulâ n~g bagtás ó landás n~g isáng cocheng tila mandín maláyò ang pinanggalin~gan, punóngpunô n~g alabóc at nagpapawis ang m~ga cabayo.

Umibís si Ibarra sa cocheng casunód n~g isáng alílang matandáng lalaki; pinaalis ang coche sa isáng galáw lamang n~g úlo at napatun~go sa libin~gang waláng kibò at malungcót.

--¡Hindî itinulot n~g aking sakít at n~g aking m~ga pinan~gan~gasiwâang acó'y macabalíc dito!--ang sinasabi n~g matandáng lalaki n~g boong cakimîan;--sinabi ni Capitang Tiagong siyá na ang bahalang magpatayô n~g isáng "nicho"; datapuwa't tinanimán co n~g m~ga bulaclác at isáng cruz na acó ang gumawâ....

Hindî sumagót sí Ibarra.

--¡Diyan pô sa licód n~g malakíng cruz na iyán--ang ipinagpatuloy n~g alilà, na itinuturò ang isáng súloc n~g silá'y macapasoc na sa pintûan.

Lubháng natitigagal n~gâ ang caisipán ni Ibarra, cayá't hindî niyá nahiwatigan ang pagtatacá n~g iláng táo n~g siyá'y caniláng makilala, na tumiguil sa caniláng pagdarasál at sinundán siyá n~g tin~gín, sa lakí n~g pangguiguilalas.

Nag-iin~gat ang binatà n~g paglacad, pinan~gin~gilagan niyáng dumaan sa ibabaw n~g m~ga pinaglibin~gan, na madalíng nakikilala sa cahupyacán n~g lúpà. Tinatapacan niyá n~g una, n~gayó'y iguinagalang niyá; gayón din ang pagcacálibing sa canyang amá. Humintô siyá pagdatíng sa cabiláng daco n~g cruz at tumin~gín sa palibotlibot. Námanghâ at napatigagal ang canyáng casama; hinahanap niyá ang bacás sa lúpa ay walâ siyáng makitang cruz saan man.

--¿Dito cayâ?--ang ibinúbulong;--hindî doon; n~guni't hinúcay ang lúpà.

Tinitingnan siyá ni Ibarra, na totoong masamâ ang lóob.

--¡Siyá n~gâ!--ang ipinagpatuloy,--natátandaang cong may isáng bató sa tabí; may caiclîan ang húcay niyao'y may sakít ang maglilibing, cayá't isáng casamá ang siyáng napilitang humúcay datapuwa't itátanong natín sa canyá cung anó ang guinawâ sa cruz.

Pinatun~guhan nilá ang maglilibíng, na nagmámasid sa canilá n~g boong pagtatacá.

Yumucód itó sa canilá, pagcapugay n~g canyáng salacót.

--Maipakikisabi pô bâ ninyó sa amin cung alín ang húcay na doó'y dating may isáng cruz?--ang tanong n~g alílà.

Tiningnan n~g tinatanong ang lugar at nag-isíp ísip.

--¿Isáng cruz bang malakí?

--¿Opò, malakí,--ang pinapagtibay na sagót n~g matandáng lalaki n~g boong catuwâan, at tinitingnan niyá n~g macahulugán si Ibarra, at sumayá namán ang mukhâ nitó!

--¿Isáng cruz na may labor at may taling oway?

--¡Siyá n~gâ! ¡siyá n~gâ! ¡iyán n~gâ! ¡iyán n~gâ!--at iguinuhit n~g alilà sa lupà ang isáng anyóng cruz bizantina[215].

--¿At may taním na m~ga bulaclác sa húcay?

--¡M~ga adelfa, m~ga sampaga at m~ga pensamiento! ¡iyán n~gâ!--ang idinugtóng na malakí ang towâ, at inalayan niyá n~g isáng tabaco ang maglilíbing.

--Sabihin n~ga ninyó sa amin cung alín ang húcay at cung saán naroon ang cruz.

Kinamot n~g maglilíbing ang tain~ga't sumagót na naghíhicab:

--¡Abá ang cruz!... ¡akin n~g sinúnog!

--¿Sinúnog? at ¿bákit ninyó sinúnog?

--Sa pagcá't gayón ang ipinag-útos n~g curang malakí.

--¿Síno bâ ang curang malakí?--ang tanóng ni Ibarra.

--¿Síno? Ang nangháhampas, si parì Garrote.

Hinaplós ni Ibarra ang canyáng nóo.

--Datapuwa't ¿masasabi pô bâ ninyó sa amin man lamang ang kinalalagyan n~g húcay? Dapat ninyóng matandaan.

N~gumitî ang maglilíbing.

--¡Walâ na riyán ang patáy!--ang mulíng isinagót n~g boong catahimican.

--¿Anó pô ang sabi ninyó?

--¡Abá!--ang idinugtóng n~g táong iyóng ang anyó'y nagbíbirô;--ang naguing capalít niyá'y isáng babaeng inilibíng co roong may isáng linggó na n~gayón.

--¿Nauulól pô bâ cayó?--ang itinanong sa canyá n~g alílà,--diyata't walâ pa namáng isáng taóng siyá'y aming inilílibing.

--¡Tunay n~ga iyón! marami n~g buwan ang nacaraan mulâ n~g siyá'y aking hucayi't cuning ulî sa baunan. Ipinag-utos sa aking siyá'y hucayin co n~g curang malakí, upang dalhin sa libin~gan n~g m~ga insíc. N~guni't sa pagká't mabigát at umúulan n~g gabíng yaón....

Hindî nacapagpatuloy n~g pananalitâ ang táo; umudlót sa pagcáguitlá n~g makita ang anyô ni Crisóstomo, na dinaluhóng siyá't sacá siyá tinangnán sa camáy at ipinágwagwagan.

--At guinawâ mo ba?--ang tanóng n~g binatang ang anyô n~g pananalita'y hindî namin maisaysay.

--Howág po cayóng magalit, guinoo--ang sagót n~g maglilíbing na namumutla't nan~gín~ginig;--hindî co po namán siyá inilíbing sa casamahán n~g m~ga insíc. Mabuti pa ang malúnod cay sa mapasama sa m~ga insíc--ang wica co--at siyá'y iniabsáng co sa tubig!

Inilagáy ni Ibarra ang canyáng m~ga camay sa magcabilang balicat n~g maglilíbing at mahabang oras na siyá'y tinitigan n~g tin~ging hindî maisaysay cung anóng íbig sabihin.

--¡Icáw ay walâ cung dî isáng culang palad!--ang sinabi, at umalís na dalîdaling tinatahac ang m~ga butó, m~ga húcay, m~ga cruz, na paráng ísang sirâ ang ísip.

Hináhaplos n~g maglilíbing ang canyáng bísig at bumúbulong:

--¡Ang guinágawang m~ga caligaligán n~g m~ga patáy! Binugbóg acó n~g bastón n~g páring malakí, dahiláng ipinahintulot cong ilibíng ang patáy na iyón n~g aco'y may sakít; n~gayo'y cauntí n~g balîin nitó ang aking bísig, dahil sa pagcahucay co n~g bangcáy. ¡Itó n~ga namáng m~ga castilà! ¡Marahil pa'y alisán acó nitó n~g aking hánap-búhay!

Matúlin ang lacad ni Ibarra na sa maláyò ang tanáw; sumúsunod sa canyáng umíiyac ang alílang matandáng lalaki.

Lúlubog na lamang ang áraw; macacapál na m~ga dilím ang siyáng lumalatag sa Casilan~ganan; isáng han~ging mainit ang siyáng nagpapagalaw sa dúlo n~g m~ga cáhoy at nagpaparaíng sa m~ga cawayanan.

Nacapugay na lumalacad si Ibarra; sa canyáng m~ga matá'y walang bumabalong na isáng lúhà man lamang, waláng tumatacas sa canyáng dibdib cáhi't isáng buntóng hinin~gá. Lumalacad na parang may pinagtatanauan, marahil sa pagtacas sa anino n~g canyáng amá, ó bacâ namán cayà sa dumádating na unós. Tináhac ang báya't lumabás sa luwál, tinun~go yaóng lúmang báhay na malaon n~g panahông hindî tinutungtun~gan. Naliliguid ang bahay na iyón n~g pader na sinísibulan n~g m~ga damóng macacapál ang dahon, tila mandin siyá'y hinuhudyatán; bucás ang m~ga bintánà; umúugoy ang iláng-ílang at ipinápagaspas n~g boong casayahan ang canyáng m~ga san~gáng hític n~g m~ga calapati na nagpapaliguidliguid sa matibong na bubóng n~g caniláng tahanang na sa guitna n~g halamanan.

N~guni't hindî pinápansin n~g binatà ang caligayaháng itóng iníháhandog sa canyáng pagbalíc sa lúmang báhay: nacapácò ang canyáng m~ga matá sa anyô n~g isáng sacerdoteng canyáng macacasalubong. Itó'y ang cura sa San Diego, yaong laguing nagdidilidiling franciscano na ating nakita, ang caaway n~g alférez. Tiniticlop n~g han~gin ang canyáng malapad na sombrero; ang canyáng hábitong guinggo'y dumirikit sa canyáng catawán at ipinakikita ang anyo nito; na anó pa't námamasid ang canyáng m~ga payát na hítang may pagcá sacáng. Sa cána'y may háwac na isáng bastóng palasang may tampóc na gáring. Noón lamang nagcakita siláng dalawá ni Ibarra.

Pagsasalubong nilá'y sandalíng humintô ang binata't siyá'y tinitigan; iniiwas ni Fr. Salví ang canyáng m~ga matá at nagpaconowaríng nalílibang.

Sandalíngsandali lamang tumagál ang pag-aalinlan~gan: malicsíng linapitan siyá ni Ibarra, pinatiguil at idiniín n~g boong lacás n~g canyáng camáy na ipinatong sa balicat n~g párì, at nagsalitáng halos bahagyâ na mawatasan:

--¿Anó ang guinawâ mo sa aking amá?--ang itinanóng.

Si Fr. Salvíng namutlâ, at nan~gatál n~g mabasa niyá ang m~ga damdaming nalalarawan sa mukhâ n~g binátà'y hindi nacasagót; nawalán n~g diwâ.

--¿Anó ang guinawâ mo sa aking amá?--ang mulíng itinanóng na nalulunod ang voces.

Ang sacerdoteng untîunting nahútoc, dahil sa camáy na sa canyá'y nagdíriin ay nagpumilit at sumagót:

--¡Cayó po'y nagcacamalî; walâ acóng guinagawang anó man sa inyóng amá.

--¿Anóng walâ?--ang ipinagpatuloy n~g binátà, at sacâ siyá idiniín hanggáng sa siyá'y mápaluhod.

--¡Hindî pó, sinasabi co sa inyó ang catotohanan! ang aking hinalinhán, si párì Dámaso ang may cagagawán....

--¡Ah!--ang sinabi n~g binata't siyá'y binitiwan at bago tumampál sa noo. At iniwan ang abáng si Fr. Salví at dalidáling tinun~go ang canyáng sariling báhay.

Samantala'y dumatíng ang alilà at tinulun~gan sa pagtindíg ang fraile.

[Larawan:--¿Inanó mo ang aking amá--ani Ibarra sa fraile.--Imp. de M. Fernandez Paz 447. Sta. Cruz]

TALABABA:

[215] Isáng cruz na catulad n~g guinagamit n~g una sa Bizancio pa n~gayo'y Constantinopla.

=XIV.=

=ANG ULOL NA SI TASIO Ó ANG FILOSOFO=

Naglálacad sa m~ga lansán~gang waláng tinutun~go't waláng iniisip ang cacaibáng matandáng lalaki.

Other books

Bedeviled Eggs by Laura Childs
JASON by Candace Smith
Dragon Moon by Unknown
Topdog / Underdog by Suzan Lori Parks
Wolf's Song by Taryn Kincaid


readsbookonline.com Copyright 2016 - 2024